Napaisip ako kung ba't "Aba!" ang ginamit na panimula ng mga misyonero sa salin ng "Ave Maria". Ba't nga ba di "mabuhay" para ipantapat sa "ave" (hail sa Ingles)? Dahil ba ginamit lang ang "mabuhay" noong 19th century? Wala ang "mabuhay" sa mga lumang diksiyonaryo.
Sa 1754 dictionary ni Noceda, compassion ang meaning ng aba, awa. Sinadya bang gamitin ang "awa" bilang pantumbas sa "ave" para ang bawat paglapit sa birhen ay akto ng paghingi ng awa at hindi papuri? Di deserve ng natives na magbigay papuri sa birhen, awa lang ang dapat hingin?
Pero may isa pang aba sa Noceda: "aba yari po" na ang kahulugan ay maghandog ng tagay bilang papuri sa isang tao. Kung ito ang pinagkunan ng aba bilang pantapat sa "ave" at "hail", ibig sabihin, tinatagayan natin si Maria tuwing nagdarasal tayo ng Aba Ginoong Maria.