Hi everyone. Bakit dapat magalit sa pagpasok ng hindi rehistradong bakuna sa bansa.

Hindi ako eksperto sa field ng vaccines kaya ito ang mga tinanong ko sa sarili para maging informed regarding the issue.
❓ Ano ba ang purpose ng FDA?

Basically, chinecheck ng FDA kung:
- tumatalab ang isang product
- safe gamitin ang product
❓ Ano ngayon kung hindi dumaan sa FDA?

Bibili ka ba ng Magic Solution X na panggamot ng cancer?

FDA ang magchcheck ng produkto kung ang laman nito ay safe AT tumutugon sa claim.

Example natin si Magic Solution X na panlaban DAW sa cancer

FDA: "Wait lang. Screen muna kita"
Chineck ni FDA si Magic Solution X...

Aba walang kwenta pala 'to dahil ang laman lang nito ay pinigang katas ng patatas!!! Hindi ito epektibo para sa claim nito na panlaban ng cancer!!!

Dahil dito, ekis si Magic Solution X kay FDA.
❓ Eh bakuna naman na siya ah. Dapat safe na?

Susubukan kong simplehan ang explanation ng US CDC at http://historyofvaccines.org 
Kauna-unahang step ang Lab and animal studies:
- hahanap ang scientists ng maaaring gawing vaccine, halimbawa ay piraso ng virus/bacteria

- maaaring itest ito sa mga cells, mga daga, o mga unggoy para malaman kung ano ang epekto sa isang living thing
- maraming bakuna ang hindi lumalampas dito dahil hindi nakukuha yung gustong immune response i.e. hindi makadevelop ang living thing ng resistensya laban sa virus/bacteria = hindi effective ang bakuna
Kadalasan, ang mga steps na ito ay umaabot ng 2-4 years o mas matagal pa.

Kapag nakalusot sa animal studies, iaapply ang potential na bakuna as an "Investigational New Drug"

Tandaan, POTENTIAL palang ito. Dito papasok ang FDA . Sa USA, may 3 malalaking step ang proseso.
Phase 1
Itetest ang bakuna sa HEALTHY na adult, mga 20-100 katao.

Dito malalaman kung:

Safe ito

Walang serious side effects

At ang pinaka importante

TUMATALAB BA???
(Halimbawa, kapag tinurukan kita ng saline solution/salt water for injection, safe yun pero wa epek sa COVID)
Phase 2
Itetest nila sa mas madaming healthy volunteers, mga ilang daang katao.

Kailangan sa madami itest dahil may mga side effects na, dahil bihira lumabas, maaaring hindi magpakita kapag 10 lang ang tinurukan.

Let's say, severe allergic reaction na 1 in every 968 lang.
Kapag marami ang naturukan, tumataas ang chance na mahuli ang side effect na ito.

❓ Eh bihira lang naman pala! So what?

Kailangan malaman ang mga side effects para ma-warn ang mga taong may high risk magkaroon ng ganitong epekto.
Halimbawa, ang mga taong may known allergies sa seafood, baka mataas ang risk nila mag allergy sa potential vaccine.

This informs them to BE PREPARED in case mangyari nga.

Being prepared = LIFE SAVING
Dahil mas maraming nabakunahan sa Phase 2, malalaman din natin if tumatalab at nagkakaresistensya nga ang mga taong naturukan.
Phase 3
Lalong malawakang test, mga ilang libong katao.

Dito, maaari nang pagkumparahin ang resistensya ng mga taong nabakunahan kumpara sa mga taong hindi nabakunahan.
❓ bakit kailangan pagkumparahin yung nabakunahan versus hindi nabakunahan?

Kailangan malaman kung ang pagbuo ng resistensya laban sa sakit ay epekto ng bakuna at hindi lamang dahil gumaling ng kusa ang may sakit.
Example: parehong may sipon ang group A (nabakunahan) at group B (hindi nabakunahan).

Gumaling ang sipon ng Group A. Hindi mo pwedeng sabihin na gumaling sila gawa ng bakuna dahil kahit ang Group B na hindi nabakunahan ay gumaling din.

(Kahit walang bakuna, gagaling ang sipon.)
Approval and licensure

Kapag pasado sa tatlong phase, ichcheck ng FDA ang kalidad ng bakuna, kung ok ba ang ingredients nito at walang halong harmful na sangkap.
Ngayon kapag pumasa sa lahat lahatan, saka palang magiging registered sa FDA ang bakuna!!!!
Phase 4

Long term monitoring. May mga side effects na pang matagalan - maaaring taon - bago lumabas.
NAPAKAHABANG PROSESO NITO NA ANG OBJECTIVE AY PARA MATIYAK NA EPEKTIBO AT SAFE ANG ITUTUROK SAYO. HINDI PINIGANG KATAS NG PATATAS. Joke lang, napagod ako pero please. Ganito kaimportante ang FDA. Hindi biro ang pagtest sa bakuna.
Please correct me if I got anything wrong. Ito ang references ko:
TL;DR

Kelangan ang FDA to check if safe at effective ang bakuna.

These people obtained these ??? vaccines via ??? means and the PMA has its tail between its legs.

Paano kung sa kamag anak mo ibenta at iturok yang buwakanangshit na bakunang yan? Ok parin ba?
You can follow @thenerdyderma.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled:

By continuing to use the site, you are consenting to the use of cookies as explained in our Cookie Policy to improve your experience.