Hindi ko alam kung pano to mag tatranslate sa Twitter as a thread pero skl kung type nyo magbasa ng mahabang kwento tonight.

Isang di malilimutang fan girl moment. Six years ago sa The Curator, isang cafe + bar sa Makati. The guy in black second from the right.
Pagkatapos ko kunin tong pic na to umupo ako sa gitnang bar stool habang inaantay ang order kong drink. May halong yabang ang order ko na yun. "Hi, what do you want to get?", sambit ng lalake sa likod ng bar.
Sagot ko sa kanya, isa sa mga pinaka ayaw marinig ng isang bartender: "What do you think I would like?" Classic na linya ng mga baguhan at gustong magpa-impress. Pero propesyonal ang mga taga Curator. Without skipping a beat, sabi nya "I think you'll appreciate a Rye Negroni."
Tumango ako in agreement, satisfied sa yabang ko. First time ko yun ginawa sa isang bar - ang magpagawa ng drink na di iniisip kung magkano. Ito yung mga tinatawag ni Direk @tonetjadaone na nakaluwag-luwag moment. 😂
Narinig to ni guy in black second from the right. Umalis ang katabi nya saglit at lumingon sya sa akin. Sabi nya "That's a great choice for you." Ako na may passing interest lang sa fancy cocktails at mas sanay sa Pale at Red Horse sa mga kanal ng Cubao, nag-agree na lang.
"I don't know much about how rye tastes but I'm ready to be surprised." Dun ko na focus ang mga mata ko sa mukha ng kausap ko. Pota ampogi! Anlakas ng dating. Pamilyar nya pero di ko mawari kung sino. Yung tipong nakita mo na sya sa TV somewhere pero di mo maaalala ang pangalan.
Sobrang obvious siguro ng pagka stun ko so he reach out his hand and said "I'm Paulo." Sa loob loob ko shet, totoo ang mga eksena sa bar sa mga pelikula. Ganitong ganito, a handsome, charming man cradling a fancy drink and making eye contact with strangers. Lord, sya na ba? Char.
"I'm Thysz, like thighs." Sagot ko sabay malanding haplos sa aking isang binti. Classic kong pagpapakilala. PR training, para hindi ka makalimutan. Natawa sya at mahinang sinabi pabalik sakin ang pangalan ko. "Do you come here often?" Tanong ko sa kanya.
Wala na akong maisip na i-small talk eh gusto ko pa syang makausap. Buti hindi favorite nyang number sa electric fan. Oo daw, dumadaan pag may break sa trabaho. Gusto nya ang lugar. Tahimik. Tago. Tinaguriang secret bar ang Curator. Nasa likod sya ng isang non-descript wine shop.
Hindi mo malalaman na ang isa sa pinakamagaling na bar sa buong Asya ay nasa likod ng isang pinto na papuntang stockroom. Uso ang mga ka-hipsterang yan noong 2014.

Nagpatuloy ang aming pag-uusap kasabay ng pagdating ng Rye Negroni ko.
Sinabi nya na tinatawag ding Old Pal ang drink na yun. Ma chika sya. Hindi ko na nasusundan minsan ang sinasabi nya kasi putanginang antapang nung drink. Halong pait at tamis na citrusy na di ko mawari. Pero masarap kinalaunan. Lumalalim din ang topic namin.
Nag kwento sya about sa dissatisfaction nya sa trabaho. May mga project syang gusto na hindi nya nagagawa kasi nauuna yung gusto ng management nya. Gusto nya daw sana makagawa ng mas may meaning, mas artistic. Isa syang aktor, pahabol nya.
Usually madaldal akong kausap, yung tipong sapawera. Pero ewan natameme ako that time. Lord, gets kong hindi sya. Imposible. Pero ang galing, totoo ang mga nasa pelikula. Nagbubuhos ng saloobin ang mga tao sa mga stranger sa bar.
Hindi ko pa rin matandaan kung sino sya sa daan daang artista sa showbiz. Pero di ko na inisip yun. At that point kagaya ko lang din sya. May stable job, maayos ang kita, pero gustong maging mas creative. Yung tinatawag na soul food. Passion.
Pareho ding di namin alam kung bakit sa tingin namin sa mga burgis experiences na ganito makukuha ang sagot sa mga tanong namin.
Paubos na ang drink ko na natutunan ko ding magustuhan at sumenyas na rin ang kasama ko na paalis na kami. Food writer ako nuon para sa isang magazine. Nilibre ng bar ang drink ko. "Swerte, sarap ng trabaho mo." sabi ni Paulo sa akin. "Well, yes literally." sagot ko with a wink.
Napa silent laugh sya, ibig sabihin nakuha nya ang pa-witty response ko. Okay na ako na iwan dun ang aming gabi. Dumating na din ang kasama nya na nalaman kong PA nya ata.

Lumabas ako ng Curator at naghandang pumunta sa isa pang resto, ang huli naming bibisitahin sa gabing yun.
Mejo hilo pa ako sa Old Pal nang maalala ko bigla ang apelyido ni guy in black from the right.

Avelino. Paulo Avelino. I muttered a wish under my breath. Sana makahanap sya ng project na makakafulfill ng artistic at creative dreams nya.
Throughout the next few years makakakilala pa ako ng mas maraming artista at mga celebrities. Chill lang ako lagi pag kasama sila. Ni hindi ko kayang magpapicture o magselfie. Sa totoo lang kay VP Leni lang ako na starstruck noong 2016, nagkita kami a few nights bago ang eleksyon
Nagegets ko ang pag fafangirl. Pero minsan, may time na hindi tayo ang maghahabol sa mga idol natin. Gaya sa pelikula, may chance makausap mo sila sa isang bar, at years later makakasulat ka about that memory na sakto sa topic ng isang podcast. https://open.spotify.com/episode/0atJM6nVGR7FWcCanJ8Eic?si=tU20c8lpTiW3K9kAo8mzmQ
Postscript: Si Paulo ang bida sa bagong pelikula ni Direk @tonetjadaone na "Fan Girl". Ang tanging Filipino film na nag premiere sa Tokyo Intl Film Fest this year.

Six years later, masaya ako para sa amin ni Paulo. Pareho kaming nagagawa na ang aming mga passion project. ❤️
You can follow @thysz.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled:

By continuing to use the site, you are consenting to the use of cookies as explained in our Cookie Policy to improve your experience.