Kasaysayan ng Konseho ng mga Mag-aaral at papel na ginagampanan nito sa gitna ng tumitinding mga atake sa mga estudyante at kabataan [A THREAD]

#ISD2020
#YouthFightBack

(1/15)
Noong 1973, sa kasagsagan ng Batas Militar ng diktaduryang Marcos, nagkaroon ng pagbabawal na sumapi sa mga student councils, student publications, political orgs, varsitarian orgs, fraternities, at sororities

(2/15)
Subalit, kahit humupa ang hayag na pagkilos ng mga kabataan, pinagpatuloy ito sa lihim sa pamamagitan ng pagbuo ng mga study circle sa loob ng organisasyon.

(3/15)
Sa taong 1974, nagkaroon ng kauna-unahang Council of Student Leaders (CSL) bilang paghahanda sa isang dialogue kasama ang OSA upang igiit ang academic freedom at freedom of speech.

Upang lalong mapalakas ang boses ng kabataan,

(4/15)
sinulong ang pagbubuo ng Komiteng Tagapag-ugnay ng mga Mag-aaral noong 1976 na siyang kumatawan sa mga estudyante sa mga administrative at policy-making bodies sa loob ng pamantasa.

(5/15)
Dahil sa militanteng pagkillos ng mga estudyante ng UPLB, matagumpay na nagkaroon ng SC elections noong 1978. Dito nabuo ang UPLB University Student Council, ang kauna-unahang konseho ng mag-aaral na muling naitatag matapos ang pagpapasara ng mga opisinang ito.

(6/15)
Sa nagdaang mga taon, nanatili ang UPLB USC at mga local SCs bilang pangunahing tagapagpakilos ng mga estudyante upang ikampanya ang pagtutol sa mga anti-estudyante at anti-mamamayang polisiya ng pamantasan. Kabilang na dito ang tuition fee increase, dorm fee increase,

(7/15)
komersiyalisasyon ng UP assets, SAIS, STS, Org Recog Guidelines, stringent MRR at Re-ad process at napakarami pang iba.

Sa kabila ng mga tagumpay ng mga estudyante ng UPLB, nahaharap pa rin tayo sa kabi-kabilang atake sa ating edukasyon at seguridad.

(8/15)
Sa ilalim ng remote learning setup, napakaraming mga estudyante sa UPLB ang napilitang ipagpaliban ang kanilang pag-aaral dahil sa kakulangan ng suporta mula sa administrasyon ng UP at ng pamahalaan. Dahil sa kawalan ng kuryente at internet bunsod ng mga

(9/15)
nagdaang mga bagyo, maraming di makasabay sa dami ng requirements.

Dagdag pa rito, nahaharap rin ang mga estudyante sa red-tagging na ginagawa ng estado na siyang naglalagay sa mga kabataan sa labis na panganib.

(10/15)
Ito ay kabilang sa mga pasistang pag-atake ng pamahalaan upang patahimikin ang mga kritiko nito dahil sa kapabayaan nito na masugpo ang COVID 19 at mabigyang suporta ang mga estudyante at mga guro.

(11/15)
You can follow @UPLBUSC.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled:

By continuing to use the site, you are consenting to the use of cookies as explained in our Cookie Policy to improve your experience.