Bakit ka dapat makialam sa US elections 2020? [1/n]

#USElections
#ElectionResults2020

(Imahe mula sa New York Post)
Prending na usapin ngayon ang "Race to 270" electoral votes sa pagitan ni Biden (Democrat) at Trump (Republican). Lamang ngayon si Biden by 52 electoral votes at nananakot na si Trump na ipatigil ang pagbilang ng boto. [2/n]
Mukhang di siya papayag na maalis sa pwesto kahit pa tawaging madaya ang eleksyon. Sounds familiar huh? 🙄🙄🙄[3/n]
Controversial at divisive ang naging termino ni Trump mula pa 2016 dahil sa lantarang pambabastos sa kababaihan, racism, karahasan at pasismo, at budget cuts sa social services para pondohan ang U.S. military-industrial complex na pumupulis sa mundo. [4/n]
Maraming nang kilalang celebrities ang nagsalita na rin laban kay Trump (tulad ni Lady Gaga, Chris Evans, Lebron James, atbp.) habang may patuloy na lumalakas na kilusang masang oposisyon. [5/n]
Para sa mga OFWs at immigrants sa U.S. at iba pa, nakikitang alternatibo si Biden para maiwasan ang mga atake lalo sa racist policies dahil siya ay mas "liberal" kaysa "conservative" o lantarang pasista tulad ni Trump. Pwede. Tila mas kaya magtulak ng progressive reforms - [6/n]
- ang kilusang masa pag si Biden ang uupo, kaya nakikisa tayo sa anti pasistang kilusang masa sa U.S.

Pero paano tayo Pinas?

[7/n]
Kahit pagkatapos ng 1946 may command pa rin ang U.S. sa ating ekonomiya, politika at kultura sa pamamagitan ng pautang, dayuhang kapital at iba-ibang di pantay na kasunduang militar tulad ng VFA at EDCA. Habang umeeksena ang China, - [8/n]
- malinaw na patuloy ang impluwensiya ng U.S. na nasasalamin sa malapit na relasyon ni Duterte at Trump.

Ang Estados Unidos pa rin ang No. 1 Imperialist sa buong mundo.

[9/n]
Sa ilalim ni Trump, patuloy ang suportang militar at pang ekonomiya kay Duterte sa mga pasistang patakaran tulad ng War on Drugs, Red Tagging, at kahit ang Anti-Terror Law, kapalit ng tuloy tuloy na pagpasok ng dayuhang kapital ng U.S. Companies. [10/n]
Kita ito sa pagtulak ng 2.2. B arms deal sa gitna ng pandemya at sa direct guidance ng U.S. Military sa operasyon ng AFP. Tulad ng panahon ni Marcos, ang U.S. ang nangungunang sponsor ng diktadura. [11/n]
Pag nanalo si Trump, tiyak na tutuloy ito't kakabig lalo siya laban sa China. Kung si Biden ang manalo may kaibahan ba? Maaring mag-iba ang pakikitungo sa pasistang patakaran ni Duterte at sa West PH Sea issue, dahil "liberal" siya depende sa mga progresibong pwersa sa US. [12/n]
Baka bawiin din niya ang suporta ng U.S. kay Duterte kung lalakas ang panawagang talsik tulad ng panahon ni Marcos. Pero pareho pa rin batayang kolonyal na relasyon ng Pilipinas sa ilalim ng U.S. [13/n]
Kung titingnan ang kapartido niyang si Obama na "first black president" ay mabagsik pa rin ang foreign policy niya sa pambobomba sa middle east at pangingialam sa ibang bansa para makakuha ng resources. [14/n]
Pero nang nanghihimasok ang China at umapela ang mga pinoy na depensahan tayo ng U.S. ang sabi niya ay di niya to magagawa. Sa dulo, pareho silang Imperyalista na ineexploit ang mga kolonya tulad ng Pilipinas para sa kita at kapangyarihan. [15/n]
Kung si Duterte ay maging sagabal sa interes nila, bibitawan din nila si Duterte.

[16/n]
Sa dulo, may mga bumubukas na oportunidad para magtulak ng reporma pero walang tunay na pagbabago na dala ang eleksyon na ito, lalo sa Pilipinas. Si Duterte na mismo ang nagsabi na walang magbabago sa relasyong US-PH maging sino man manalo. [17/n]
Trump o Biden: Jojowain o Totropahin?

Para kay Duterte, pareho lang basta makuha pa rin niya ang dayuhang pautang at kapital.

[18/n]
Pero dapat mangialam ka pa rin.

Kasi kung tutuloy lang ang sistemang imperyalista, lalong walang kinabukasan ang Pilipinas. Papalalain lang nito ang pagwasak sa ating mga industriya, pagiging dependent sa foreign capital, - [19/n]
pagiging bansot ng ekonomiya at empleyo sa bansa, na nagdulot ng malalim na krisis sa pandemya.

[20/n]
Dapat magkaisa ang kabataang Pilipino at Amerikano na kahit sino mang manalo, ang laban ay para sa pambansang soberanya - na ang mamamayan mismo ang may kontrol sa ekonomiya, politika, kultura at resources sa kanyang bansa - [21/n]
You can follow @LFS_ENGG.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled:

By continuing to use the site, you are consenting to the use of cookies as explained in our Cookie Policy to improve your experience.