#Neomanila on YouTube

“Ang totoong pumapatay hindi umaamin, tahimik lang. Tansado nila kung kailan sila magsasalita.”

(A thread)
📍Sana makapagproduce pa tayo ng mas maraming gantong movies. Napakatotoo, napaka-tapang at napaka-liberated. Mahusay ang pagkakatagpi-tagpi ng kwento, location and cinematography in general.
📍Mabibigat ang mga eksena sa movie na to gaya ng sex, krimen, extrajudicial killings, kahirapan, prostitusyon at droga. Humanda ka! Dumilat ka!
📍Masyadong mapanganib ang lugar na gaya ng Metro Manila para sa mga taong gaya nila Irma, Raul, Toto at Elias. Meron kang dalawang options, ang manatili or umalis. Saan ka?
📍Tatanungin ka ng movie kung kaya mo bang iwan ang lahat-lahat para makaligtas at di mabuking ang iba? Anong isasagot mo?
📍Ang Metro Manila ay malawak na representasyon kung saan talamak ang kalakaran ng droga. Makikipagsabayan ka ba or makikipagkompetensya? Humanda ka!
📍Bulok talaga ang sistema naten pagdating sa “war on drugs” dahil marami ang kagaya ni “Sarge.” Maraming “buwaya” na nakamasid at ano mang oras susugurin ka nila at papatayin. Wala kang laban!
📍Ipapakita ng movie na to kung sino ba ang talo, yung mga ginawang hanapbuhay ang droga o yung mga taong nalulong sa droga at ginawang mundo to.
📍Mabibingi ang mga tenga mo sa alingawngaw ng putok ng baril. Para bang, sigaw ng isang biktima na humihingi ng hustisya at kalayaan.
📍”Mas kabahan ka kung wala ka ng nararamdamang takot.”
📍Yung signboard na “Inosente ako” at “Pusher ako” iba ang dating sa movie na to. Napakamakatotohanan!
📍Saktong-sakto ung soundtrack ng movie na to, ma-LSS ka sa “Spoliarium” version ni Zia Quizon at Eraserheads. Napaka-angas!
📍Panalo ang script at batuhan ng mga linya. Natural at pang-kalye talaga na salitaan, yung usual na naririnig naten kapag nasa kalsada tayo.
“Huwag ka matakot. Isipin mo, bangungot lang ang lahat ng to..” (Irma)

Mahusay, @iamEulaValdez @eulavaldesph @MikhailRed 👏🏻👏🏻👏🏻
You can follow @da_eighteen.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled:

By continuing to use the site, you are consenting to the use of cookies as explained in our Cookie Policy to improve your experience.