THREAD: Pagsara ng ABS-CBN, ano ang magiging epekto sa ekonomiya?

Pag may time po kayo, pakibasa po at paki-RT pag sa tingin nyo ay may sense po ako. Salamat sa suporta ❤💚💙
1. GDP
- Nung first quarter ng taon, negative ang growth rate. First time in 22 years. Sa 2nd quarter, inaasahang mas lalala ito. Unang recession sa loob nang halos tatlong dekada dahil sa COVID. https://twitter.com/EdsonCGuido/status/1268764662666891264?s=19
Ang pagsara ay may dalawang epekto

Direct- contribution ng ABS-CBN, 11,071 empleyado

Indirect- multiplier effect na tinatawag. Si Juan na empleyado na kumakain sa restaurant sa tapat na nagpapasweldo kay Maria na nagpapadala ng pera sa probinsya na panggastos ni Jose and so on.
Multiply nyo yun sa dami ng empleyado at establishments sa paligid ng ABS-CBN at sa mga pinagagastusan nila. Yan ang multiplier effect na tinatawag.

Isama nyo pa ang epekto sa ibang industriya katulad ng advertising. Iba ang reach ng ABS-CBN. Pano nila maabot ang consumers nila?
Kung mas mababa ang kita ng ibang industriya (na mas malala pa ngayong may covid) e baka magbawas din sila ng empleyado.

Nakalimutan yata natin na interconnected ang ekonomiya. Lahat yan ay makakatulong sana habang nasa pandemya.

At lahat yan ay damay damay pag nawala ang isa.
2. JOBS

Alam nyo ba na hindi lang unemployment rate ang record-high kundi pati yun tinatawag na labor force participation rate ay record-low?

Ibig sabihin, marami ang nagdrop out sa labor force nitong pandemya at hindi na actually nasama sa bilang ng unemployed.
7.3 million unemployed in April

Alam nyo ba ang ibig sabihin ng "employed" sa Pilipinas? Basta nakapagtrabaho ka ng isang oras, employed ka na. Isang oras. Ganun kabilis maging employed and yet ganun karami ang unemployed dahil sa covid.

Ganun kalala. Tapos madadagdagan pa.
Hindi lang ito tungkol sa 11,071 empleyado. Isama nyo pa ang multiplier effect.

Ekonomiya palang yan. Hindi pa kasama ang news at public service ng ABS-CBN. At ang pagiging innovator ng ABS-CBN sa industry. Pati narin ang tax na binabayad.

Yan po ang mawawala.
Damay lahat dyan.
To claim na "hindi naman ako affected sa 11,000" is not only arrogant, insensitive and heartless.

It's also completely inaccurate.
You can follow @EdsonCGuido.
Tip: mention @twtextapp on a Twitter thread with the keyword “unroll” to get a link to it.

Latest Threads Unrolled:

By continuing to use the site, you are consenting to the use of cookies as explained in our Cookie Policy to improve your experience.