Dati i also make the 'sex worker as last resort' jokes "hanap na ako sugardaddy/sw na lang ako" pero i realized na sobrang stigmatizing niya sa mga kasama nating sex worker. Hindi easy money ang sex work. Sa mabigat na exploitation na kinakaharap nila, 'wag na tayo dumagdag pa.
I also have friends in the industry who enlightened me on how much they hate those remarks.. it's like a 'adding salt to the wound' type of thing..
Since this gained traction, contextualize ko lang further ano.
Karaniwan sa pumapasok sa sex work ay dahil napilitan ng material conditions nila aka extreme poverty and low educational attainment. Minsan kahit merong may degree, underpaid at exploited rin sa previous jobs nila.
Karaniwan sa pumapasok sa sex work ay dahil napilitan ng material conditions nila aka extreme poverty and low educational attainment. Minsan kahit merong may degree, underpaid at exploited rin sa previous jobs nila.
Napakahigh risk ng sex work sa isang patriyarkal na mundo, lalo pa sa conservative at 'religious' country like ours. When viewing sex work, people tend to look at it moralistically instead of studying the material conditions that makes sex work possible and necessary.
Pinagiisipang mabuti ang pagpasok sa ganitong gawi dahil sa dami ng layer ng exploitation na pinagdadaanan ng nasa industriya—sa SOGIE nila at pati na rin sa uri nila ayon sa ekonomiya. Hindi ito basta biro lang na pinuputak natin tuwing frustrated na tayo ukol sa finances natin.
Hal. Yung mga nakikita nating meme tungkol sa sex work, sa laki ng kita sa porn at iba pang mga bagay—hindi dapat ipinapalaganap ang ganitong mababaw na suri na tungkol sa sex work. Kapag pinagtatawanan at kinukutya ito, lalo lang nating nilulugmok ang mga may ganitong trabaho.
Ano nga ba ang dapat gawin? Kahit ang mga 'abante' ay hindi pa ganoon kasigurado. May mga umuusbong rin kasing suri na mapagpalaya umano ang sex work, pero masasabi kong 'di kailanman kung patriyarka ang dominante sa mundo. Ang panawagan natin ngayon ay #DecriminalizeSexWork.
Dahil hindi naman dapat patawan ng pagkakakulong o higanteng multa ang taong sobrang exploited na nga sa kanyang trabaho sa una pa lamang, bagkus ay dapat bigyan maayos na oportunidad, kabuhayan at mga batayang pangangailangan sa buhay.